Wednesday, February 3, 2010

Greatest Invention, Sarcastically speaking.

..and ala-Doofenshmirtz, by greatest, I mean worst.

Sino daw ba ang nag-imbento ng "school"(sabi ng kaklase ko)? Ang school nating lahat na..
-may flag ceremony every Monday.
-kailangang magsuot ng uniform (bakit sa ibang bansa, wala daw?).
-kailangang magdasal before and after every period.
-may overpriced candies.
-nagpapa-nosebleed.
-nagpapagastos ng pera para sa ballpen, tapos magpapagastos ulit kapag nawalan ng tinta o nagtae.
-may negative numbers pang nalalaman. What's the use of that in real life?
-natatamaan lagi ang mga tao ng lahat ng klaseng bola (volleyball, basketball, shuttlecock..).
-walang-awang nagbibigay ng walang-awang homework.
-walang-awang naniningil ng walang-awang pera.
-kailangang gumising ng maaga.
-pinapahanap ang X pero hindi natin alam kung bakit kailangang hanapin.
-pinapakumplika ang mga simpleng bagay. Halimbawa: Tony has 11 more nickels than quarters. How many coins does he have in his purse if the total value of his coins is $2.65?
Una, anong paki ko sa number of coins na meron siya? Gagastusin rin lang naman niya 'yun. At pangalawa, diba lalaki si Tony? Bakit siya may purse?

0 comments: